Friday, May 31, 2013

A Joke or an Insult?



I saw this statement in a twitter account that contains quotes, nakalimutan ko na kung anong account yun. It says:

“Lakas ng loob makatanggi ah. Bakit, maganda ka ba?”

As a girl, parang nakaka-insulto ang dating sa point of view ko. Bakit, magaganda lang ba ang may karapatang tumanggi? 

Ang nai-imagine kong scenario dito is halimbawa may simpleng babae na pinag-tripang akbayan ng isang lalaki. Conservative at hindi malandi ang babae kaya inalis niya ang pagkakaakbay. At doon na marahil pwedeng sabihin ng lalaki ang statement na  “Lakas ng loob makatanggi ah. Bakit, maganda ka ba?”.

You might tell me that I’m taking the statement way too personally, but it’s pretty insulting for me. Hindi naman dahil sa hindi ako kagandahan kaya ako nagre-react ng ganito, pero kahit sinong babae man siguro ay maiinis, di ba? Maganda, simple o ordinaryo man siya.

Ang joke kasi dapat nakakatawa, hindi nakakasakit.

No comments:

Post a Comment